Saturday , May 25 2024

Taas-sahod ng pulis inihain sa Senado

INIHAIN na sa Senado ang panukalang humihiling na itaas ang sahod ng mga tagapagpatupad ng batas sa bansa, partikular ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, ito ang isa sa mga pangako na kanyang binitiwan nang tumakbo siya sa pagka-bise presidente bilang katambal ng noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte.

Kilala bilang Philippine National Police Compensation Act of 2016, sinabi ni Cayetano, layunin ng panukala na itaas ang minimum salary at allowance ng mga tauhan ng PNP.

Sakaling maisabatas, makatatanggap ang pulis na may pinakamababang ranggo, ng gross minimum pay na P50,530 kada buwan, kasama na ang benepisyo at allowance.

Iginiit ng senador, ito ay kabilang sa siyam na panukala na pasok sa “reform package measure” na magdudulot nang tunay na pagbabago sa lipunan, na ipinangako ng Duterte-Cayetano tandem noong panahon ng eleksiyon.

“It is not enough that we punish and remove corrupt cops from the service. Without just compensation, crime and corruption will only seduce what is left of the government’s honest, yet, impoverished police personnel,” pahayag ni Cayetano.

Aniya, ang basic salary ng isang police officer 1 (PO1), ang pinakamababang ranggo sa PNP, ay P14,834 na malayo sa ideal monthly living wage na P27,510 para sa isang empleyado na may limang miyembro sa pamilya.

“This bill seeks to double the current base pay of the lowest ranking police from P14,834 to P26,668 and increase its monthly allowances and other benefits from P7,862 to P20, 862. Upon the passage of this Act, the minimum monthly gross pay of PO1 will amount to P50,530,” ayon kay Cayetano.

Binigyang-diin ni Cayetano, mahalagang agad maisabatas ang naturang panukala upang hindi lamang maging epektibo ang pulisya na masawata ang krimen sa bansa kundi mailayo rin sila sa katiwalian.

( CYNTHIA MARTIN )

About Cynthia Martin

Check Also

Francis “Tol” Tolentino Puto Latik Festival Biñan

Puto Latik Festival ng Biñan suportado ni Tolentino

SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo …

052424 Hataw Frontpage

Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA

NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula …

052424 Hataw Frontpage

72-anyos nanay, bugbog-sarado sa 33-anyos anak

ni Almar Danguilan KULONG ang 33-anyos na binata matapos  bugbugin ang kaniyang 72-anyos na ina …

Bajaj Maxima Z Feat

Bajaj Maxima Z: Pang Negosyo na, Pang-Endurance pa!

SINONG mag-aakalang ang sasakyan na pang negosyo, pwede rin sa endurance challenge? Sa tipid, tibay, …

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *