Tuesday , July 16 2024

Kristine hermosa, ‘di hinahabol ng Dos

HINDI naman talaga maikakaila na iyang si Kristine Hermosa ay nagsimula at nagkaroon ng pangalan dahil sa ABS-CBN. Noong naroon siya, isa naman siya sa naging paboritong star ng network. Kabi-kabila rin ang kanyang assignments noon. Pero dumating ang panahon na siguro nga nagsawa na rin siya, o baka naman wala ng bagong idea ang mga taga-network para ipagawa sa kanya, nasabayan pa ng kanyang pag-aasawa, medyo lumamlam ang kanyang career.

Ngayon may bago naman siyang trabaho, sa rival network namang GMA. Pero hindi namin alam kung bakit pilit pa nilang ginagawan ng issue iyon. Sinasabi naman nila na matagal nang tapos ang kontrata ni Kristine sa Star Magic. Hindi naman siya pinapirma ng bagong kontrata. Wala namang bagong proyektong iniaalok sa kanya. Kung sakali at inalok nga siya ng GMA na tinanggap niya, ano naman ang problema?

Palagay naming, wala namang isyung legal dahil matagal nang natapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at saka hindi naman siya binigyan ulit ng iba pang assignment matapos ang kanyang kontrata. Maliwanag kung ganoon na para sa magkabilang panig, wala na silang responsibilidad sa isa’t isa, at malaya na nga si Kristine na tumanggap ng ibang trabaho.

Wala rin namang sinabi na hinahabol siya ng ABS-CBN matapos niyang tumanggap ng trabaho sa rival network noon. Eh ano nga ba ang kaso?

Siguro may mga tao nga lang na naninibago dahil sanay silang nakikita siya sa Channel 2, eh kung wala ng offer sa kanya eh, paano naman? Ang isa pa sigurong iniisip naman ng iba, ang daming artista ng Channel 7 na wala rin namang trabaho. Bakit hindi sa mga iyon ibigay ang trabaho at kinuha pa si Kristine?

Kung titingnan ninyo, isang grupo iyang show nila. Pamilya nila iyan kaya huwag na ninyong pakialaman iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Libingan ni Rico Yan ‘di na inirerespeto

HATAWANni Ed de Leon DESMAYADO si Jessy Mendiola dahil sa nakita niyang internet content na ginagawang pasyalan …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Netflix

Dennis at Jen pinasok na pagpo-produce ng pelikula

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA  ang mga pangyayari, ngayon pala ay magsisimula na ring mag-produce ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *