Thursday , February 22 2024

Regal, muling susugalan si Kiray

SUWERTE si Kiray Celis dahil sa ikalawang pagkakataon ay binigyan siya ng break ng Regalna maging bidang muli roon sa I Love You to Death. Masasabing suwerte  siya dahil iyong ibang mga artista, mabigyan man ng pagkakataong maging bida, sa mga indie film lamang. Ginawa siyang bida ng Regal sa main stream movies, mga pelikulang naipalalabas sa mga sinehan at napapanood ng mas maraming tao.

Kaya sinasabi naman ni Kiray, na kahit na marami na siyang nasamahang serye sa telebisyon at mga pelikula, itinuturing niya ang dalawang pelikula niya sa Regal na siyang pinakamalalaki niyang break. Sabihin din naman nating suwerte lang talaga. Kasi kung hindi naman kumita ang unang pelikula na bida siya, sigurado wala na itong pangalawa. May isa pang napuna namin, kung sa unang pelikula niya ang katambal ay isang mas malaking leading man, si Derek Ramsay, ngayon hindi ganoon kalaki ang kanyang leading man na si Enchong Dee.

Para gawin iyon ng producers niya, ibig sabihin talagang malaki na ang tiwala nila na kayang magdala ng isang pelikula si Kiray.

Kung iyang I LoveYou To Deathna iyan ay kikita pa rin kagaya niyong nauna, masasabi na nga sigurong si Kiray ay isa nang certified box office star.

Hindi si Kiray iyong may mga commercial sa telebisyon na pinupuri ang  kahusayan. Hindi siya iyong nananalo ng kung ano-anong awards, pero ang mas mahalaga, pinanonood naman ng mga tao ang kanyang pelikula. Aanhin mo naman ang awards kung ang pelikula mo naman ay baliktad sa takilya? Sino bang producer ang maglalarga ng puhunan sa iyo ano mang husay mo kung puro flop naman ang ginagawa mong pelikula?

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PAni Rommel Placente ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na …

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Sex video ni Male starlet ginawang papremyo ng isang produkto

ni Ed de Leon AY ano iyang nasa isang internet platform, mayroon silang ilang katanungan …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *