Thursday , January 27 2022

Daniel, wala sa tono nang kumanta

HUWAG namang magagalit ang fans ni Daniel Padilla. Itong sa amin ay paalala lang naman sana. May napanood kaming kapirasong video sa social media na kuha sa isang performance ni Daniel sa Isabela yata. Ang kuwento na kasama niyon ay may nambastos daw kay Daniel at hindi niya nagustuhan iyon. Maingay ang mga tao eh, hindi namin narinig sa audio ng video kung may sumigaw nga ng pambabastos sa kanya.

Pero maniniwala kami roon, dahil sa mga ganyang performance naman, hindi talaga nawawala iyong may nambabastos kung minsan, at sa mga ganoong pagkakataon, ang dapat na gawin ng isang performer ay huwag pansinin iyon at ituloy lamang ang kanyang performance. Hindi naman kasi siya pinanonood ng mga tao para magalit sa mga bastos eh, kundi dahil sa performance niya.

Iyon ang gusto naming punahin. Hindi mabuo-buo ang kanta ni Daniel. Halata mong kung mag-aalanganin siya ay tumitigil siya sa kanyang pagkanta. Mabuti na nga naman iyon kaysa pumiyok siya. Napansin din namin, hindi siya tumatama sa tono.

Maaaring ikatuwiran na live kasi ang kanyang kanta at naaapektuhan siya ng reaction sa kanya ng crowd kaya ganoon. Pero ano mang pang-unawa, kundi man matatawag na palusot ang gawin natin, maliwanag na wala siya sa tono. Kung sa bagay, sasabihin ng iba, hindi naman iyong kanta niya ang gusto ng fans, kundi iyong makita lamang siya.

Kaya lang, dapat niyang isipin na may ginawa siyang CD. Kung sa CD ay maayos naman kahit na paano ang kanyang kanta at sa live performance ay ganoon ang makikita sa kanya ng publiko, sinasabi ba niyang ok lang dahil ang kanyang CD ay computer enhanced?

Baka sabihin ng iba para iyong PCOS machine. Nalalagyan ng “magic” para mag-iba ang resulta.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply