Thursday , June 4 2026

Eleksiyon 2016 bumaha ang pera sa lokal

BUMAHA ang pera sa 2016 local elections.

Kitang-kita ang vote buying, mga Kapitan at kagawad ng Barangay ang unang kinakausap. Nasaan ang sinasabing ‘non-partisan’ dapat ang barangay?!

Dahil alam naman natin na hiwalay ang budget ng barangay officials.

****

Kapansin-pansin ang mga aklade at kongressman na walang kalaban na dapat ay hindi na gumastos, ngunit sa kagustuhang manalo ang kanyang buong kapartido, mas dumoble pa ang gastos!

Hindi gaya ng may kalaban, kung sino lang ang supporters, iyon ang tutulungan sakaling humingi ng tulong.

Kabaligtaran ng pangyayari, pati ang dating supporters ng mga dating kalaban ay kasama na ngayong bibigyan ng tulong.

Totoo ang kasabihan, kung wala kang pera, huwag ka nang tumakbo sa politika!

Bagong bise alkalde sa Pasay City

Sino ang mag-aakalang matatalo ng isang Noel “Boyet” del Rosario si three-term councilor at 2nd-term vice mayor Marlon Pesebre?

Nakapanghihinayang, ngunit matindi talaga ang karisma ni Mayor Tony Calixto, pati na ang utol na si Congresswoman Emi-Calixto Rubiano, magkatulong na dinala si Boyet para maging vice mayor ng lungsod ng Pasay.

Dahil sa pangyayaring pagkatalo ni Pesebre, namatay na ang kanyang political career. Nagbabantang tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang alkalde ng Pasay na ang makakalaban sana ay si Congw. Emi Calixto-Rubiano.

Topnotcer naman ng District I ang anak na lalaki ni Mayor Calixto na si Mark Calixto, habang si Konsehal Moti Arceo ang topnotcher sa District 2.

***

Sa wakas, nakapasok bilang konsehal sa Distrito I si Ricardo “Ding” Santos, na kung hindi nagmadali noon, baka naging Meyor na ng lungsod ng Pasay.

Isa lang ang hindi nakapasok sa partido ni Calixto sa District 1, si Margs Molina, na ikalawang pagtakbo na sa halalan, hindi talaga sinuwerte.

Dahil ang mister ni dating Konsehal Grace Santos, na si Tino Santos, apo ni dating Mayor Jovito Claudio ang nanalo. Gayon din ang anak ni ex-councilor Richard Advincula, na si Jerome Advincula, pinalad na manalo.

***

Nalaglag sa District 2 si Councilor Arvin “Bong” Tolentino, tanging si Councilor Allan Panaligan lamang  ang nananalo sa grupo ni Pesebre, habang napuwesto muli si Aileen Padua para sa kanyang second term bilang Councilor, ngunit hindi pinalad ang kapatid na si Reynaldo Padua Jr.

Suwerte naman na nanalo si Joey Calixto Isidro pamangking buo nina Mayor Calixto at Congw. Emi. Apat na Calixto ang nagwagi.

Naniniwala na ba  kayo sa lakas ng Karisma ng mga Calixto?

***

Isa sa pinakagrabeng karahasan na nangyari ngayong 2016 elections, ang pagkakapatay sa pitong kalalakihan sa Rosario, Cavite na pawang supporters ng nanalong mag-amang Ricafrente bilang Mayor at Vice Mayor ng nasabing bayan, ang mag-amang Voltaire at Nonong Ricafrente, na nasa partidong LP.

Senior citizens hindi napaghandaan

Isa sa dapat paghandaan ng Comelec sa susunod na election ay lugar na dapat botohan ng senior citizens, ang persons with disability (PWD), kailangan sa lugar na hindi na aakyat ng hagdan ang kanilang mga presinto.

Isa sa dapat paghandaan ay bentilasyon rin! Marami ang nahilo, sa sobrang init at sa mahabang pila.

Ipinagbawal kasi ang mga pamaypay na ipinamimigay ng mga kandidato!

(Kung may sumbong o reklamo,mag-email lang sa [email protected])

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …