Monday , December 5 2022

Buhay ni Sunshine, mas maganda ngayon

NATAWA kami roon sa statement ni Sunshine Cruz, “pabibo ka”.

May mga tao talagang ganoon na kung nakagagawa ng kung iisipin mo responsibilidad lang naman nilang talaga, ipinagmamalaki iyon. Pero kung iisipin mo, bayad lang ba sa eskuwelahan ang mahalaga sa isang bata? Paano na ang ibang pangangailangan niyon? Paano na ang kakainin niyon araw-araw? Mas malaki iyon. Panay na nga lang ang pasalamat ni Sunshine na lagi naman siyang may trabaho at natutustusan niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak.

Natutuwa naman si Sunshine, lalo na nga at kung sinasabi sa kanya ng kanyang mga anak kung paano sila nagtitipid, at kung pinapaalalahanan siyang huwag masyadong magpapagod. Concerned din naman ang mga bata talaga sa kanya dahil nakikita nila ang ginagawa niyang pag-aasikaso sa kanila.

Pero ganyan lang ang buhay. Mas maganda naman ang buhay ni Sunshine ngayon hindi ba?

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Blind Item, Male Celebrity

Male personality iwas sa cellphone, feeling pinagkakakitaan

I-FLEXni Jun Nardo TODO-IWAS ang isang kilalang male personality kapag nakatutok sa kanya ang phone na may …

Leave a Reply