Thursday , December 8 2022

Sunshine, ‘di pa handang magpaligaw

062615 sunshine cruz
“HINDI  ako gumagawa ng moves para makahanap ng manliligaw. I would like to assure everyone na kahit na 38 na ako at may tatlong anak, dalagang Filipina pa rin ako,” ang sabi ni  Sunshine Cruz.

Marami kasi ang nagsasabi, sa ayos ni Sunshine sa ngayon, lalo na nga at napapadalas ang labas ng kanyang mga pictorial na sexy, hindi maiiwasang may mga mag-ambisyong manligaw sa kanya, lalo na’t alam naman nila na hiwalay na siya sa kanyang asawa. May mga tsismis ngang mayroong mga nanliligaw sa kanya.

Pero nag-deny si Sunshine at sinabi niyang hindi niya alam kung may nagbabalak pero hindi pa siya tumatanggap ng mga manliligaw sa ngayon, kahit pa sinabi na ng kanyang mga anak na gusto nilang makatagpo na siya ng isang magmamahal sa kanya ng tunay.

“Hindi ko pa naman nakukuha ang annulment ng kasal ko eh,”ang sabi pa ni Sunshine. Kung iisipin mo nga naman, what is the use. Tatanggap siya ng mga manliligaw hindi rin naman siya makapagpapakasal hanggang hindi siya nakakakuha ng annulment, eh ‘di hintayin na muna niya iyon tutal naman tuloy-tuloy ang kanilang proceedings sa korte.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply