Thursday , November 30 2023

Bebot hinati katawan, ulo inilagay sa maleta

INAALAM pa ng mga awtoridad kung ginahasa ang isang babae na natagpuan ang hubad na kalahating katawan sa loob ng maleta sa Zigzag Road, Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez PNP, nakita ni Rommel Sison, Brgy. San Jose volunteer, ang pagtapon sa maleta ng isang lalaking sakay ng kotseng walang plaka dakong 7 p.m. sa lugar.

Tinangka niyang buksan ang maleta ngunit nabigo siya dahil naka-lock ito kaya ipinagbigay-alam niya sa mga awtoridad.

Nang mabuksan ay tumambad ang hubad na kalahating katawan ng babae na nakabalot sa plastic ang ulo.

Naniniwala ang pulis-ya na biktima ng summary execution ang babae at itinapon lamang sa lugar ang bangkay upang iligaw ang imbestigasyon.

Inaalam ng mga awtoridad kung nakuhaan ng CCTV ang insidente sa nasabing lugar.

Ed Moreno

About hataw tabloid

Check Also

Alden Richards Barbie Forteza, David Licauco Sanya Lopez

Alden bibida sa isang historical action-drama

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Alden Richards sa GMA 7, na isang historical action-drama …

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *