Thursday , June 4 2026

Pamilya minasaker sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagmasaker sa isang pamilya sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP, ang mga biktimang si Roger Gracia, 47, magsasaka, misis niyang si Milcha Ricanor, 49, at anak nilang si Danny Anne,14, pawang mga residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Aringay sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Senior Insp. Cordero, pinasok ng hindi nakilalang mga armado ang bahay ng pamilya Gracia at pinaputukan sila gamit ang kalibre .45 baril.

Narinig na lamang ng mga kapitbahay nila ang mga putok kaya’t ipinagbigay-alam ito sa barangay kapitan at mga awtoridad.

Nang magresponde ang mga pulis, nakita na lamang na nakabulagta na sa sahig ang mga biktima at wala nang buhay.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na kilala ng mga biktima ang mga suspek kaya pati ang dalagita ay idinamay sa krimen.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …