Thursday , June 4 2026

Taxi driver sugatan sa boga ng holdaper

SUGATAN ang isang taxi driver makaraan barilin ng holdaper nang isalpok niya ang sasakyan at tumakbo kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang kinilalang si Bobby Regalado, 32, ng Block 5, Laon Compound, C. Molina St., Brgy. Veinte Reales ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kanang balikat.

Habang mabilis na tumakas ang suspek na walang nakuhang kahit ano nang isalpok ni Regalado ang taxi sa tabi ng kalsada.

Batay sa ulat ni PO2 Joel Madregalejo, dakong 8:45 p.m. nang maganap ang insidente sa ‘dead-end’ ng Chicago St., Brgy. Lingunan ng lungsod.

Pinara ng suspek ang Daedalus taxi (TVX-992) na minamaneho ng biktima at nagpahatid sa nasabing barangay ngunit pagsapit doon ay nagdeklara ng holdap.

Mabilis na isinalpok ng driver ang taxi sa tabing-kalsada bago mabilis na binuksan ang pintuan sabay takbo ngunit pinaputukan siya ng suspek.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …