Thursday , June 4 2026

Foreigner mula sa Middle East positibo sa MERS

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na mayroon nang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-COV) sa Filipinas.

Ito’y nang magpositibo sa nasabing sakit ang isang 34-anyos  foreigner mula sa Middle East.

Ayon kay DoH Secretary Janette Garin, mahigpit nilang mino-monitor ang MERS-COV patient na ngayon ay dinala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa.

“What’s important is we’re closely monitoring the patient and close contacts have been located,” ani Garin.

Malakas din aniya ang immune system ng pasyente kaya nasa recovery process na siya agad.

Unang naramdaman ng dayuhan ang mga sintomas ng MERS noong Hulyo 2, at isinailalim sa pagsusuri noong Hulyo 4.

Taon 2014 nang unang mabulabog ang Filipinas matapos mapaulat na isang Filipino health worker mula (UAE) ang naging pinakaunang carrier ng MERS-COV pagkauwi rito sa bansa.

Gayonman, nakarekober sa virus ang naturang overseas Filipino worker kaya pinalabas sa quarantine nang magnegatibo na siya sa MERS.

Habang nito lamang Pebrero 2015, isang 32-anyos Filipina nurse mula sa Saudi Arabia ang positibo sa MERS at masuwerte ring nakarekober.

Noong nakaraang linggo lang nang i-quarantine sa Bacolod City ang isang Korean national, ngunit negatibo siya sa MERS Corona Virus.

Pangamba sa MERS-COV pinawi  ng Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na hindi dapat mabahala ang publiko sa pagpasok sa bansa ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-COV) na kinompirma na ng Department of Health (DoH). Ito’y makaraan magpakita ng sintomas at makompirmang may MERS-COV ang banyagang galing sa Middle East na kasalukuyang nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, handa ang gobyerno sa pangunguna ng DoH, sa pagharap sa nasabing sakit na pumasok na sa bansa.

Ayon kay Coloma, alam ng DOH ang mga dapat gawin upang mapigilan ang pagkalat ng MERS-COV.

Dagdag ni Coloma, ngayon ay gumaganda na ang kalagayan ng foreigner na kasalukuyang ginagamot sa RITM.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …