Monday , May 20 2024

2 courier ng drug lords sa Bilibid arestado

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang dalawang hinihinalang drug courier ng nakakulong na drug lords sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, makaraan makompiskahan ng 500 gramo ng shabu at granada sa checkpoint kamakalawa ng hapon sa Operation Lambat Sibat ng PNP sa Guimba, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga suspek na sina Arthur Corpuz, 33, ng Quezon City, at Honeybal Gorospe, alyas Bal, 29, ng Muñoz, Nueva Ecija.

Mula Maynila papunta sa Ilocos ang drug delivery na makatatlong beses nang naisagawa ng mga suspek ngunit naharang ang sinasakyan nilang kotseng Lancer UDA-273 dakong 3 pm sa Brgy. Cavite ng nasabing lugar.

Sa report ni Provincial director, Sr. Supt Crizaldo Nieves, kay Central Luzon PNP OIC, Chief Supt. Ronald Santos, natagpuan sa driver’s seat ng kotse ang paper bag na kinalalagyan ng malaking plastic bag na naglalaman ng shabu.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay supplier ng shabu sa Bulacan, Pampanga, Bataan, Olongapo, Zambalez, Tarlac at kalapit na mga lugar ng gitnang Luzon.

Ang mga suspek ay sinasabing mga tauhan ng hinihinalang mga drug lord na nakakulong sa NBP.

Nabatid na bank to bank ang transaksiyon ng mga drug lord at ide-deliver na lamang ng mga suspek kapag bayad na ang order na shabu.

Sinasabing iba’t ibang sasakyan ang ginagamit ng mga suspek sa pag-deliver ng shabu upang makaiwas sa huli.

Raul Suscano

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *