Saturday , November 27 2021

Police asset patay, stud sugatan sa boga

PATAY ang isang police asset habang sugatan ang isang estudyante sa insidente ng pamamaril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Victor Pagulayan, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, ang napatay na si Antonio Bautista, 38, ng 45 Pook Dela Paz, Brgy. Old Balara, Quezon City, pinaniniwalaang isang police asset.

Si Bautista ay isinugod  sa General Malvar Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.

Habang nakaratay sa East Avenue Medical Center si Roy Carlo Briones, estudyante, ng nasabi ring lugar, tinamaan ng ligaw na bala sa paa.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:13 p.m. kamakalawa sa Dela Paz St., Pook Dela Paz, Brgy. Old Balara.

Sa imbestigasyon, nakikipag-inoman sa kanyang mga kaibigan si Bautista nang lapitan ng hindi nakilalang lalaki at siya ay pinagbabaril bago mabilis na tumakas.

Minalas na tinamaan ng ligaw na bala sa paa ang estudyante na nakatayo malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply