Monday , November 29 2021

23 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan

PINATINDI pa ng Phivolcs ang monitoring sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa naitalang mga pagyanig sa nakalipas na mga oras.

Iyan ay makaraan ang pagsabog nito ng abo kamakalawa ng tanghali.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, nakapagtala sila ng 23 volcanic earthquakes sa kanilang seismic monitoring network.

Hindi inaalis ni Solidum ang posibilidad ng pagtataas ng alerto mula sa kasalukuyang alert level 1.

Tiniyak din ng ahensiya na hindi lamang ang Bulusan ang kanilang bi-nabantayan, kundi ma-ging ang iba pang mga bulkan sa buong bansa, pati na ang mga naitatalang lindol.

Katunayan, nakapag-detect din ang Phivolcs ng tatlong pagyanig sa Taal Volcano sa Batangas.

Gayonman, walang ibang volcanic activity na na-monitor sa naturang bulkan.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply