Wednesday , December 1 2021

Araw ng Kalayaan?

USAPING BAYAN LogoANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya.

Ngayon ay ginugunita ng pamahalaan ang ika-117 taong Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Ngunit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang tunay ba na araw ng paglaya o ito ay araw ng kataksilan laban sa bayan?

Mula ika-4 ng Hulyo ay ginawang Hunyo 12 ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang paggunita sa araw ng ating kalayaan para makuha ng kanyang administrasyon ang suporta ng mga makabayang puwersa. Kakatwang ginawa niya ito matapos niyang buksan ang ating ekonomiya sa mga dayuhan at gibain ang mga makabayang patakaran ng kanyang pinalitang pangulo na si Carlos P. Garcia.

Bago naging Araw ng Kalayaan ang Hunyo 12 ay kinikilala na ito bilang Pambansang Araw ng Watawat sapagkat sa petsang ito umano noong 1898 unang iwinagayway ang kasalukuyang bandila sa tahanan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Pero ayon sa tala ng kasaysayan, unang iwinagayway ang ating bandila noong ika-28 ng Mayo, 1898 sa kasagsagan ng labanan ng mga rebolusyunaryong Pilipino at kawal Kastila sa Barrio Alapan, Imus, Cavite. Ito’y 15 araw bago mag- Hunyo 12.

Gayon ma’y mali pa rin na kilalalin ang Hunyo 12 ni Aguinaldo bilang Araw ng Kalayaan sapagkat noong Agosto, 1896 pa, sa pangunguna ni Supremong Andres Bonifacio at ng mga kasapi ng Kagalanggalangan Kataastaasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK-AnB), naipahayag na nila ang kalayaan ng bayan.

Ayon sa mga tala’t saksi, mula Agosto 23 hanggang 26, 1896 ay idineklara ni Bonifacio at mga kasama ang kalayaan at ang pagsisimula nang himagsikan laban sa mga Kastila. Pinunit nila ang kanilang mga cedula at nagdaos ng mga makabayang pagpapahayag sa mga barrio ng Pugad Lawin, Kangkong, Bahay Toro at Pasong Tamo (na ngayo’y mga barangay ng Lungsod Quezon).

Hindi gaya ng malinaw na deklarasyon ng kalayaan ni Bonifacio, ang pahayag ni Aguinaldo sa Kawit ay oxymoronic o o kinakikitaan ng mga elementong magkasalungat. Nagdedeklara ito ng “kalayaan” pero kasabay ng pahayag na ito ay idinedeklara rin niya na ang Pilipinas ay isang protectorate ng United States.

Bilang US protectorate lumalabas na ibig ni Aguinaldo na ang Pilipinas ay maging isa lamang teritoryo ng Amerika na may autonomiya tulad ng Puerto Rico o Guam at hindi isang malayang bansa. Hindi pinansin ng pamahalaang Amerikano ang pagsisipsip ni Aguinaldo at tayo ay kanilang pataksil na dinigma. Ang digmaang Pilipino-Amerikano ay tumagal mula 1899 hanggang 1902 at tinatayang 600,000 hanggang isang milyong Pilipino ang nasawi sa loob ng panahong ito.

Sa loob ng 44 na taon ay isang teritoryo ng US ang Pilipinas. Noong ika-4 ng Hulyo 1946 ay binigyan tayo ng kalayaan ng mga Amerikano matapos nilang matiyak na mananatili tayong neo-kolonyal, isang kalalagayan na tunay na ugat ng ating kahirapan ngayon.

Ngayon, ang Hunyo 12 ba ay araw ng kalayaan o kataksilan?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez. …

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

COMELEC seryoso ba sa campaign guidelines?

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata TILA mahihirapang sundin ng taongbayan ang inilabas na alituntunin …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Dorobong haciendero

PROMDIni Fernan Angeles HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala …

Bulabugin ni Jerry Yap

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Leave a Reply