Thursday , December 2 2021

Kasuhan Din Si Rex

EDITORIAL logoHINDI makatatakas sa responsibilidad si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagkamatay ng 72 manggagawa sa naganap na sunog sa pabrika ng Kentex.

Ang trahedya sa Valenzuela ay pananagutan hindi lamang ng may-ari ng pabrika, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Fire Protection (BFP) kundi maging ng government ng Valenzuela City.

Kaya nga sa paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina Interior Sec. Mar Roxas, Labor Sec. Rosalinda Baldoz at anim na ibang opisyal ng pamahalaan, nakapagtataka kung bakit hindi kasali rito si Gatchalian.

Malinaw ang responsibilidad ni Gatchalian nang pagkalooban ng pamahalaan ng Velenzuela City ng business permit o mayor’s permit ang  Kentex sa kabila ng kawalan nito ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC)  mula sa BFP.

Hindi maaaring ikatuwiran ni Gatchalian ang sinabing Joint Circular 1 Series of 2010 ng DILG at Department of  Trade and Industry kaya nagbigay sila ng permit sa Kentex sa kabila ng kawalan nito ng FSIC.

Tuwirang paglabag ito sa RA 9514 o Fire Code of 2008 na nagsasabi na ang FSIC ay rekesito bago makapag-isyu ng business permit o mayor’s permit.  Ang isang batas ay hindi maaaring lagpasan ng isang circular lamang.

About hataw tabloid

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Adviento

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NITONG nagdaang araw ng Linggo ay nagsimula …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

China, bully na in denial

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAPAGKUNWARI ang China, sa ilalim ni Xi Jinping, pagdating …

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez. …

Leave a Reply