Thursday , June 4 2026

Utak ng payola kuno itinanggi ng BI official (Sa pagdidiin sa kapwa-opisyal)

060615 FRONTITINANGGI ng isang immigration official kahapon na tinukoy niya ang kapwa komisyoner na kabilang umano sa naglakad para sa sinasabing suhol sa Liberal Party (LP) at BBL issue kapalit ng paglaya ng Chinese crime lord.

“Neither I or he ( Gilberto Repizo), made any move to arrange any meetings with Wang’s representatives. Repizo’s only role was that he authored as ponente the May 21 Resolution for Wang’s Motion for Reconsideration as approved by the three-man Board of Comissioners headed by Commissioner Siegfred Mison,” pahayag ni Abdullah Mangotara.

Binigyang-diin ni Mangotara na walang sangkot na pera sa pagbaliktad ng desisyon para kay Wang.

“No money changed hands. I challenge anyone to produce any videos or documents on the alleged money trail,” pahayag ng dating Lanao del Norte congressman.

Sinabi ni Mangotara, base sa May 21 Resolution, si Wang ay pinalaya sa prinsipyo ng international law at Philippine law kaugnay sa karapatan sa due process at sa “rules on admissibility of foreign documents.”

Bago ang May 21 decision, hiniling ng bureau, sa pamamagitan ng kanilang legal department kay Fu Yunfei, Chinese Embassy consul at police attache, ang mga dokumento at detalye kaugnay sa sinasabing mga kaso ni Wang sa China.

“The Chinese embassy replied by sending photocopies of documents in Chinese scripts with accompanying English translation of Chinese scripts. Both are not properly authenticated and do not contain official seal of the proper Chinese authorities,” pahayag ni Mangotara, base sa bahagi ng May 21 resolution.

Noong Mayo 26, o pagkaraan ng limang araw, nag-isyu ang Board of Commissioner ng resolution, sa puntong ito ay iniakda ni Mison, na nagbaliktad sa May 21 resolution at pinagtibay ang March 5 BoC ruling na si Wang ay i-deport mula sa Filipinas.

Tinutulan ni Mangotara ang desisyon habang hindi naman ito nilagdaan ni Repizo.

Itinanggi rin ni Mangotara ang espekulasyon na sina Repizo at Atty. Cris Villalobos, legal chief ng bureau, ay lumipad patungo sa China upang tanggapin ang sinasabing P400-million payoff.

“Travel records both from the NAIA and from China will bear them out,” diin ni Mangotara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …