Wednesday , December 1 2021

Boundary inutang pedicab driver binoga ng operator

BINARIL ang isang pedicab driver ng kanyang operator nang utangin ng biktima ang kanyang boundary sa Pasay City kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Mario Alejandrino, 48, residente ng 829 B. Mayor St., Brgy-177, Malibay ng naturang lungsod.

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Roy Bacabac, 47, may asawa, pedicab operator, nakatira sa 829 B. Mayor St., ng nabanggit na lungsod.

Sa report na natanggap ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Senior Supt. Joel Doria, naganap ang insidente dakong 3:30 p.m. sa labas ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Napag-alaman, inuutang ng biktima ang boundary niya ngunit ayaw pumayag ng suspek hanggang magtalo sila.

Sa kainitan ng pagtatalo, binunot ng suspek ang kanyang baril at pinaputukan ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

Mary Mitzi Mitch Cajayon-Uy

Cajayon-Uy:
OMBUDSMAN, KAILANGANG REPORMAHIN

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong 12 …

Leave a Reply