Thursday , December 2 2021

Lagim ng DMCI sa Binondo

EDITORIAL logoMATAPOS lapastanganin ang monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal at babuyin ang Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) Terminal 1, ngayon naman ang Chinatown sa Binondo ang sinasalaula ng DM Consunji Inc. o DMCI.

Kung matatandaan, ang DMCI ang developer ng Torre de Manila na ipinoprotesta ng publiko dahil sinira nito ang view ng monumento ni Dr. Jose Rizal.  Ang DMCI rin ang responsable sa tumutulong kisame sa NAIA terminal 1, matapos bumuhos ang ulan dahil sa hindi maayos na waterproofing sa mga bubong nito.

At ngayon naman, ang itinatayong gusali ng DMCI na The Prince View Suites sa Binondo ang inirereklamo ng mga resi-dente dahil sa pagbabara ng kanilang mga imburnal at kanal bunga ng maputik na tubig na ibinubuga mula sa ginagawang paghuhukay ng itinatayong gusali.

Nagtataka ang mga residente sa nasa-bing barangay kung bakit pinayagan ng Manila City Hall ang nasabing construction kahit walang barangay permit ang DMCI.

Sa kabila ng perhuwisyong idinudulot ng DMCI sa barangay, tulad ng trapiko at polusyon, patuloy at malaya pa rin sa kanilang ginagawang pagtatayo ng gusali.

About hataw tabloid

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Adviento

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NITONG nagdaang araw ng Linggo ay nagsimula …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

China, bully na in denial

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAPAGKUNWARI ang China, sa ilalim ni Xi Jinping, pagdating …

Bulabugin ni Jerry Yap

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Quezon Gov. Suarez et al, kakasuhan ng plunder? Bakit?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SASAMPAHAN ng plunder o pandarambong si Quezon Province governor Danilo Suarez. …

Leave a Reply