Monday , November 29 2021

Tanong ng BABALA: Ano ang nangyari  sa Anti-CSI drive?

ANO ang nangyari sa kampanya laban sa coconut scale insect (CSI) infestation na nagdulot ng perhuwisyo sa mga magsasaka na ang kabuhayan ay nakadepende sa industriya?

Ito ang nais mabatid ng BABALA (Bayan Bago Ang Lahat). Ang BABALA ay public service entity na may layuning ibahagi sa mamamayan ang mga isyung posibleng makaapekto sa interes ng publiko.

Ayon sa BABALA, nitong nakaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order 169, nagkaloob ng alokasyong P700 milyon para malunasan ang nasabing peste sa niyugan. Ano anila ang nangyari? Sa huling napaulat na balita, ang peste ay hindi nasugpo.

Inihayag ng coconut farmers ang kanilang mariing pagtutol sa itinurong pamamaraan ng Philippine Coconut Authority na pag-inject ng Neocotinoid, sinasabing nakalalasong kemikal, sa mga puno ng niyog. Pangamba nila, sa Neocotinoid ay maaaring umasim ang sabaw at ang buko ay hindi na maaaring kainin ng tao.

Dagdag nila, kapag nalaman ng foreign buyers na ang ating mga puno ng niyog ay sinaksakan ng nakalalasong kemikal, maaaring mawala sa bansa ang lumalagong foreign market.

Iminungkahi anila ng mga magsasaka kay Pangulong Aquino na utusan ang PCA sa paggamit ng local formulation  na  napatunayang  epektibo laban sa coco pests. Halimbawa anila, ang Botanical Insect Growth Regulator (BIG R1 & R2) na ayon kay Ms. Riza Manalo, entomologist/licensed agriculturist na nakatalaga sa PCA provincial office sa Alaminos, Laguna, ay epektibo laban sa coconut pests.

Sa isang sertipikasyon, sinabi niyang itinalaga siya upang mag-inspeksiyon at mag-validate sa pag-spray ng BIG R1 & R2 sa mga puno ng niyog na pineste ng CSI sa Laguna.

Sa nasabing proseso, pinaakyat niya ang coconut tree climber sa mga puno upang random na makako-lekta ng coconut palms (palapa) bago nag-spray upang mabatid kung ito ay pineste ng CSI. Nang makompirma ang peste, inutusan niyang mag-spray sa mga puno, ng tatlong araw sa panahon ng tag-araw, at ng isang linggo kung may pag-ulan.

Nagsagawa siya ng inspeksyon at validation nang anim na beses. Ininspeksiyon niya ang buhay at patay na mga insekto sa field at sa opisina sa pamamagitan ng powerful lighted lenst at microscope.

Ang kanyang findings: epektibong nakontrol ng  BIG R1 &  R2 ang CSI.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply