Friday , May 17 2024

Chinese trader, softdrinks dealer itinumba

PATAY ang Chinese trader at softdrinks dealer makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Caloocan City kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang negosyanteng Chinese na si Weng Wen Yong, alyas Leo/Ayong, 25, ng 14-D Aquino Street, 2nd Avenue, Caloocan City, makaraan barilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang tindahan sa Binondo, Maynila.

Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na isang alyas Corintoh, 22, siyang bumaril sa biktima, at isang 20-anyos lalaking nagsilbing lookout sa insidente, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 1:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng tindahan ng Lamprea General Mechandise sa 463 Clavel Street, San Nicolas, Binondo, Maynila.

Abala sa kaha ang biktima nang biglang pumasok si Corintoh at pinaputukan sa dibdib ang negosyante at pagkaraan ay mabilis na tumakas kasama ng isa pang suspek na naghihintay sa labas.

Samantala, patay rin ang isang softdrinks dealer habang himalang hindi tinamaan ang kanyang asawa, tatlong anak at pamangkin, nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Ronnie Milanes, 42, negosyante, sanhi  ng dalawang  tama ng bala ng kalibre. 45 sa dibdib.

Agad iniutos ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, ang manhunt opreation laban sa dalawang suspek na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni SPO1 Frederick Manansala, dakong 8:30 a.m. nang mangyari ang insidente sa kanto ng C-4 Road at Dagat-Dagatan Ave., sa nasabing lungsod.

Minamaneho ng biktima ng kanyang L-300 van, kasama ang misis na si Myreen, 36, tatlong anak na may edad 7, 10, 15, at isang 13-anyos pamangkin, nang tambangan ng dalawang suspek.

Galing sila sa Bulacan at pauwi sa kanilang bahay nang sabayan ng motorsiklo ng mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa ulat, si Milanes lamang ang target ng mga suspek dahil ang driver’s seat lamang ang pinaputukan ng mga salarin.

Salaysay ng misis ng biktima,  matagal nang may natatanggap na death threat ang kanyang mister  mula sa hindi nakilalang suspek na may kinalaman sa kanilang negosyo ng softdrinks.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang text messages sa cellphone ng biktima at pansamantalang hindi inilantad ang mga pangalan habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang matukoy kung sino ang utak sa krimen.

Leonard Basilio/Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *