Monday , December 6 2021

Anti-poor ang Ecowaste Coalition

EDITORIAL logo
ISA sa mga aktibong grupong madalas na magbabala sa mga magulang ang Ecowaste Coalition.

Sa tuwing darating ang pasukan, madalas itong magpaalala sa kung ano ang nararapat at ‘di nararapat na bilhing gamit pang-eskwela o school supplies para sa mga mag-aaral.

Halos taon-taon, ang grupong ito ay umiikot sa Divisoria at sinasabi na ang karamihan sa mga school supplies na mabibili rito ay nakamamatay at delikado sa kalusugan at nakaaapekto sa utak ng mga mag-aaral.

Pero bakit sa Divisoria lang umiikot ang Ecowaste Coalition?  Bakit hindi nila imbestigahan at pasukin ang malalaking department store gaya ng SM, Landmark at Robinson’s?

Kung gagawin kasi nila ito, tiyak na ipagtatabuyan sila ng mga de-shotgun na security guard.

Hindi ba alam ng grupong ito na pawang mahihirap ang namimili sa Divisoria?  Hindi makikipagsiksikan ang mga magulang sa Divisoria kung meron silang limpak-limpak na salapi na pambili sa gagamitin ng kanilang anak sa darating na pasukan.

Anumang panganib, hindi ito papansinin ng mga magulang, mabili lang nila ang mga school supplies para sa kanilang mga anak na estudyante.

Kung talagang nagmamalasakit ang Ecowaste Coalition, bakit hindi na lang sila ang magtinda ng school supplies, ‘yung mura ang halaga, dekalidad at walang hazardous chemical.

About hataw tabloid

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Talas ng Little Mayor

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng …

Bulabugin ni Jerry Yap

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon …

Bulabugin ni Jerry Yap

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Leave a Reply