Thursday , December 9 2021

Misis tinarakan ni mister (Kalaguyo ang pinili)

LAOAG CITY – Inihahanda na ng Philippine National Police sa Bacarra, Ilocos Norte ang kasong isasampa laban sa isang mister na sumaksak sa kanyang misis makaraan matuklasang may kalaguyo ang ginang.

Kinilala ang biktimang si Sonia Hinayun, 50, habang ang suspek ay asawa niyang si Regalado Hinayun, 50, driver, kapwa residente ng Brgy. Cabulalaan sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng PNP Bacarra, nakahiga ang biktima sa kanilang silid nang biglang pumasok ang suspek at dalawang beses siyang sinaksak sa dibdib.

Mabilis na sumaklolo ang kanilang anak na si Roselyn at isinugod ang biktima sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Lungsod ng Laoag, habang ang suspek ay agad tumakas ngunit nahuli rin ng mga pulis sa Brgy. Pasngal sa bayan ng Bacarra.

Sinasabing nagalit ang mister nang matuklasang may iba nang minamahal ang asawa at nang papiliin ang misis, pinili ang kanyang kalaguyo.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

SMC Isla Pulo San Miguel DENR

SMC tumutulong sa natitirang Metro old growth mangrove forest para protektahan

DADAGDAGAN ng San Miguel Corporation ang volunteers mula sa kanilang hanay para tulungan ang Department …

Sunshine Cruz

Sunshine ‘di tumatanda — Wala kasi akong problema

HATAWANni Ed de Leon HINDI na yata tumatanda si Sunshine Cruz? Aba kung titingnan mo ang kanyang picture …

Leave a Reply