Thursday , June 4 2026

Buwagin ang CHED

EDITORIAL logo“SIGURUHIN na ang  kalidad ng edukasyon ay makakamit ng lahat na nagnanais makapag-aral  lalo na ang walang kakayanang tustusan ito.”

Sa mandatong ito ng Commission on Higher Education (CHED), malinaw na ipinahihiwatig na ang pag-aaral ay karapatan ng bawat Pilipino at  hindi kinakailangang masagkaan ng kahirapan.

Pero sa realidad,  wala itong katotohanan. Sa halip bigyan ng proteksiyon ng CHED ang mga mag-aaral, lumalabas na pinapaboran pa nito ang malalaking negosyante na may-ari ng mga pribadong paaralan.

At sa kabila nang walang habas na pagtataas ng tuition, muli na namang pinahintulutan ng CHED ang 313 private school na magtaas ng kani-kanilang singil sa matrikula. 

Bunga nito, asahan din ang pagtaas ng bilang ng dropout at out-of-school youth sa Pilipinas.

Walang magulang na hindi ginustong makapag-aral ang isang anak, pero sa laki ng guguguling salapi para makapasok sa isang pribadong paaralan, napipilitan silang patigilin ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Walang maaasahang proteksiyon sa CHED ang mga magulang at estudyante.

 Tama ang panawagang buwagin na lang ang CHED. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …