Thursday , June 4 2026

1 patay, 12 sugatan sa SUV ng anak ng ex-PBA cager

PATAY ang isang lalaki habang 12 ang sugatan makaraan araruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) na mimamaneho ng kolehiyalang anak ni dating PBA cager Nelson Asaytono, sa Ramon Magsaysay Blvd. at Altura Street, Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sugatan din sa insidente ang driver ng Toyota Innova (ZCX-638) na si Kim Arielle Asaytono, 22, estudyante sa University of Sto. Tomas, at residente sa Francisco St., Bo. Kapitolyo, Pasig City, isinugod rin sa UERM Hospital dahil sa pinsala sa ulo at katawan.

Binawian ng buhay makaraan ilipat sa Tondo General Hospital mula sa UERM Hospital, ang biktimang si Oscar Imus Lastimado, 44, ng 13 Road 12, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Habang  kabilang sa mga nasugatan sina Arnold Diquito, 34; Armand Eru, 42; Lancelot Verian, 38; Guric Magtaza, 42; Timothy John Dungo, 22; Millano Barnatcha, 48; Alberto Tizon, 41; Darwin Vidal Ramirez, 33; Fidel Alfaraz Estante, 50; Wilfredo Avila, 56; at Salvador Verceles, 65, pawang ng Sta. Mesa, Maynila, isinugod sa UERM Hospital at Lourdes Hospital.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rey Fernandez, ng Manila Police District-Vehicular Traffic Investigation Section (MPD-VTIS), nangyari ang insidente dakong 8:30 p.m. sa nabanggit na lugar.

Binabaybay ni Asaytono ang east direction ng Ramon Magsaysay Blvd. ngunit pagsapit sa panulukan ng Altura St., nawalan ng kontrol at nakabig ang manibela pakanan kaya nasoro ang grupo ng mga pasahero na naghihintay ng jeep.

Nabatid sa impormasyon, habang nagmamaheno ay nag-aaway si Asaytono at ang kanyang girlfriend na kapwa lasing, hanggang agawin ng babae ang manibela na nagresulta sa insidente.

Hindi nakasaad sa report ng MPD-VTIZ ang pagkakakilanlan ng  kasamang babae ni Asaytono at hindi rin nakalagay na may kasama siyang babae nang maganap ang insidnete.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …