Thursday , June 4 2026

Karneng baboy ipinalit sa shabu, kelot arestado

NAGA CITY – Sa kulu-ngan ang bagsak ng isang lalaki makaraan makompiskahan ng illegal na droga na ibinayad sa kanya sa biniling karne ng baboy ng isang kapitbahay sa Pacol, Naga City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Joel Azotilio, ng nasabing lugar.

Ayon kay PO2 Gil Guban, nagpapatrolya ang kanilang grupo nang mapansin na tila may nakasukbit sa baywang ng suspek.

Nakompirma na may dala siyang patalim sa ginawang pagkapkap ng mga awtoridad at nakuha rin sa pag-iingat niya ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Agad nagpaliwanag ang suspek sa mga pulis na ibinayad lamang sa kanya ang ilegal na droga sa biniling karne ng baboy ng isa sa mga residente sa kanilang barangay.

Nakakulong na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …