Thursday , June 4 2026

Yosi ipinagdamot welder todas sa untog at saksak

PATAY ang isang welder makaraan iuntog ang ulo at pagsasaksakin ng nakaaway na obrero nang hindi mamigay ng yosi sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Gerold Camus, alyas Jerry Boy, 45, residente ng Saint Matthew St., Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Habang kusang- loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Jinnes Garin, 23, tubong Biliran, Leyte, at residente ng Compound 2, Sitio Kabatuhan ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong murder, nakapiit na sa detention cell ng Valenzuela City Police.

Batay sa ulat ni PO3 Edwin Mapula, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.

Salaysay ni Tristan Barcial, kasamahan ng biktima, inutusan siya ni Camus na bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan at nang bumalik siya upang ibigay ito ay humihingi si Garin.

Sa puntong ito, sinabihan ng biktima ang suspek ng katagang, “Matutong bumili ng sigarilyo kung gustong magbisyo,” na ikinagalit ni Garin.

Tinadyakan ng suspek ang biktima at nang bumagsak sa semento ay iniuntog ang ulo ni Camus.

Ngunit hindi pa nakontento, bumunot ng patalim ang suspek saka inundayan ng saksak ang biktima.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …