Thursday , June 4 2026

Bautista bagong Comelec chairman

andres bautistaISANG taon bago idaos ang 2016 presidential elections ay itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang mga bagong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hinirang ng Pangulo si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Andres Bautista bilang bagong Comelec chairman, kapalit nang nagretirong si Sixto Brillantes noong nakalipas na Pebrero.

Habang sina attorneys Rowena Amelia Guanzon at Sheriff M. Abas ay ang mga bagong Comelec commissioner na kapalit ng mga nagretirong sina Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

Magtatapos ang termino nina Bautista, Guanzon at Abas sa Comelec sa Pebrero 22, 2022 o tatlong buwan bago ang 2022 presidential elections.

Mananatiling bakante ang puwestong iniwan ni Bautista sa PCGG habang walang itinatalagang kapalit si Pangulong Aquino at wala pang pahayag ang Palasyo kung matutuloy ang balak na pagbuwag sa komisyon.

Siya ay naging dean ng College of Law ng Far Eastern University (FEU) at naging miyembro ng Constitutional Reform Commissions ng mga nakalipas na administrasyon.

Si Guanzon ay itinuturing na expert sa mga batas sa Violence Against Women bunsod nang paglilingkod niya bilang consultant on women’s rights sa Senado at kasama rin siya sa mga sumulat sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2005 at Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.   

Si Abas ay mula sa Cotabato City at naging abogado noong 2005.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …