Thursday , June 4 2026

Asawa ng konsehal itinumba sa hotel (Recall election sa Palawan umiinit)

BINALOT ng tensiyon ang Puerto Princesa City matapos mapatay kahapon ng madaling araw ang isang kaalyado ni Palawan Governor Jose Alvarez sa isang hotel.

Binaril ng hindi pa nakikilang salarin si Albino Dingcohoy, 45 anyos, asawa ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan sa Balabac, Palawan, sa labas ng kaniyang silid sa Princessa Inn sa pagitan ng 1:30 hanggang 2:30 ng madaling araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumitaw na posibleng gumamit ng gun silencer ang mga salarin dahil walang nakarinig ng putok.

Kaalyado ni Dingcohoy si Alvarez na sumusuporta kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron na haharap sa recall elections laban kay Edward Hagedorn, ang dating alkalde, sa Biyernes, Mayo 8.

Kaugnay nito, hiningi ni Bayron sa Commission on Elections na pag-ibayuhin ang pagmamatyag sa recall election dahil sa pangambang pagsiklab ng karahasan sa siyudad.

Naniniwala si Bayron na hindi sapat ang pagkakatalaga kamakailan kay Police Superintendent Ernesto Tendero bilang hepe ng Philippine National Police sa Puerto Princesa. (DG)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …