Thursday , June 4 2026

Energy Sec. Petilla nagbitiw na — PNoy

LIMANG araw makaraan magbitiw si John “Sunny” Sevilla bilang Customs chief, inamin kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Energy Secretary Jericho Petilla.

Sinabi ng Pangulo, tinanggap na niya ang pagkalas ni Petilla sa kanyang gabinete at naghahanap na siya ng kapalit ng opisyal sa puwesto.

Katuwiran ng Pangulo, napilitan lang naman si Petilla na maluklok bilang Energy secretary  dahil alam niya ang hirap ng responsibilidad sa sektor ng enerhiya.

Ayon kay Pangulong Aquino, halimbawa rito si dating Energy Secretary Jose Rene Almendras na maging ang anak daw na nasa grade school ay nabu-bully dahil sa mataas na presyohan sa langis o koryente.

Matatandaan, binigo ng Kongreso ang inihihirit na emergency powers ni Petilla para kay Pangulong Aquino para malutas daw ang napipintong energy crisis ngayong panahon ng tag-init.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …