Thursday , June 4 2026

Kelot itinumba sa gas station  

PATAY ang isang 42-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa isang gasoline station sa panulukan ng Aragon at Lacson streets, sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Raymund Conde, residente ng 1054 Cebu St., Balic-balic, Sampaloc, Maynila.

Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong dakong 1:10 a.m. nang biglang pagbabarilin ng suspek ang biktima sa gasoline station sa nasabing lugar.

Isinugod sa pagamutan ang biktimang tinamaan ng apat na bala sa katawan ngunit binawian ng buhay.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …