Thursday , June 4 2026

Mag-ina, kasambahay pinatay at sinunog

FRONTHINIHINALANG pinatay muna bago sinunog ang mag-ina at ang kanilang kasambahay ng hindi nakilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque City police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, ang mag-inang biktima na sina Czarina Luya, 35, at Charlene, 15, patay rin ang kasambahay nilang si Josephine, pawang mga residente ng 11 Tomas St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk ng lungsod.

Ang mga biktima ay pawang may malalim na sugat sa noo at ulo.

Ayon kay Parañaque City Fire Department arson  chief investigator, Inspector Wilson Tana, nagsimula  ang sunog sa bahay ng mga biktima na bungalow type dakong 12:58 a.m.

Aniya, ang mga biktima ay pawang natagpuan sa loob ng kuwarto ng kasambahay at may nakitang mga bahid ng dugo, palatandaan na hinila sila papasok sa nasabing silid.

Nang maapula ang apoy dakong 2:30 a.m., may natagpuang basyo ng bala ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril sa sala ng bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …