Sunday , April 28 2024

Truck helper tumalon sa NLEx, patay

DUROG ang ulo at sabog ang utak makaraan tumalon mula sa tulay ng North Luzon Expressway (NLEx) at masagasaan ang isang truck helper kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Renjie Navarro, nasa hustong gulang, tubong Mabinay, Negros Oriental, agad binawian ng buhay sanhi ng pagkabagok ng ulo at nakaladkad pa ng humahagibis na sasakyan.

Batay sa ulat ni PO2 Joel Madregalejo, dakong 10:30 p.m. nang tumalon ang biktima mula sa tulay ng NLEx na sakop ng Brgy. Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bantay Bayan member Antonio Ligasan, nilapitan nila ang biktima nang mamataan sa gitna ng tulay at tinanong kung ano ang balak niya.

“May mabigat akong problema at gusto ko nang magpakamatay,” sagot aniya ni  Navarro at bago pa sila nakakilos ay biglang tumalon ang biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *