Thursday , June 4 2026

Abogadong police official utas sa saksak ng pamangkin

090814 knifeCAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang police superintendent makaraan pagsasaksakin ng kanyang lasing na pamangkin habang nag-iinoman kamakalawa ng tanghali sa Plaridel, Bulacan.

Sa report na ipinadala sa tanggapan ni OIC Regional Director, Chief Supt. Ronald Santos, hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Supt. Eduardo Villena, 55, residente ng Quezon City, at nakatalaga sa Human Rights Affairs Office (HRAO) sa Camp Crame. Habang mabilis na nakatakas ang suspek na si Jimboy Cortez Villena, 20, delivery boy, ng San Leonardo, Nueva Ecija.

Base na imbestigasyon, bandang 10:20 a.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng kapatid ng biktima sa Sitio Dike, Banga habang sila ay nag-iinoman.

Nabatid na habang nakikipag-inoman ang biktima dumating ang suspek at nakitagay sa umpukan at nang malasing ay pinalo ng bote ng beer ang kernel saka pinagsasaksak.

Raul Suscano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …