Friday , January 21 2022

Handa na ba si Grace Poe maging presidente?

00 pulis joeyAYAW daw ni Senadora Grace Poe tumakbong Bise Presidente sa 2016.

Gagamitin lang daw siya ng ka-tandem niya. Tama!

At kung maging bise presidente siya, manunungkulan siya ng anim na taon (2016 – 2022) at baka hindi na siya ganoon kabango kapag tumakbo siyang presidente sa 2022.

Kaya, kung iiwanan man niya ang pagiging senador sa 2016, gusto niya ay presidente na ang kanyang tatakbuhin. Anyway, balik-senador naman siya kahit matalo sa panguluhan dahil may tatlong taon pa siya sa kanyang termino.

Pero handa na ba si Grace Poe maging presidente ng Pilipinas?

May daan-daang milyones ba siya na gagastusin sa eleksiyon tulad nina VP Jojo Binay at DILG Sec. Mar Roxas na may mina ng pera?

Sa panahon kasi ngayon, masakit man pakinggan, pera-pera na ang labanan sa marami sa mga botante.

Kung sakali man, handa na ba si Grace Poe para habulin ang mga nagpayaman nang todo-todo sa kontrobersiyal na DAP at PDAF?

Kaya ba niyang habulin ang mga utak ng naglahong bilyones na pondo sa DAP under PNoy administration?

Ang mga kapwa niya senador at kongresista na nagbulsa ng daan-daang milyong kickback sa PDAP o pork barrel, kaya ba niyang ipakulong din tulad ng ginagawa ngayon ni PNoy?

Handa na ba si Grace Poe na makipagbalitaktakan sa China na patuloy na sinasakop ang ating mga isla sa Spratly?

Ang mainit na usapin sa Bangsamoro Basic Law (BBL), ano ang stands niya rito?

Ang lumalaking bilang ng istambay, paglaganap ng droga at kanser ng korupsyon sa hanay ng mga politiko at government officials, kaya ba niyang durugin ito?

Kung kaya, Go! Kung hindi, better give way sa may kamay na bakal…

Ano sa palagay mo, bespren Judith?

Dalagita, ginahasa ng dalawang kaibigan sa Pangasinan

Nag-text at tumawag sa akin kamakalawa si Ginoong “Adan” Hernando ng Barangay Cacandungan, Natividad, Pangasinan.

Ayon kay Adan, sa salaysay ng kanyang anak na 15-anyos, ginahasa ito ng kanyang mga barkada na edad 17 at 21-anyos. Nangyari ito Marso 15, 2015, bandang hapon sa bahay ng kamag-anak ng mga suspek.

Niyaya raw kasi ng mga suspek ang dalagita na mag-inuman noong hapon na ‘yon. Gin umano ang kanilang tinagay. Nang malasing ang biktima, doon na raw pinatulog. Pero biglang nagising nang may nakapatong sa kanya, ang kaibigang si Jomar. Hindi raw makasigaw at makapanlaban dahil binantaang papatayin ng dalawang suspek.

Naging kampante raw kasi na sumamang makipag-inuman ang dalagita sa naturang mga kaibigan dahil pangalawang beses na nilang mag-inuman. Noong una ay masaya sila at walang nangyaring anumang pambabastos sa biktima.

Nagsampa ng kasong rape ang mag-ama noong Marso 19 kalakip ang medico legal sa Regional Trial Court (RTC) Tayug, Pangasinan. Ang may hawak daw ng kaso ay si Piskal Mapili.

Nangangamba ang mag-ama na baka mabasura lang ang kaso dahil mga ‘bata’ raw ng mayor ang mga magulang ng dalawang suspek.

At nagtataka sila kung bakit wala pang nangyayaring hearing o paglilitis sa kaso.

Ang advise natin kay Ginoong Adan ay lumapit sa DSWD-Pangasinan dahil menor de edad pa ang biktima at menor de edad rin ang isa sa dalawang suspek.

Dapat kasi, noong araw na makalagpas sa panggagahasa ang biktima ay nag-report agad sa mga pulis ng Natividad para nadampot ang mga suspek.

Gayonpaman, tinatawagan natin ng pansin si Piskal Mapili, bilis-bilisan naman ang pagsasampa sa kasong Rape para mabigyan ng hustisya ang dalagita. Justice delayed, Justice denied!

Tutukan!

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Sino ka?

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMING umaangkin sa karangalan na masabi na sila’y …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mag-isip-isip ‘outside the vaxx’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAHIT paulit-ulit pang itanggi ng gobyerno, hindi mapapasubalian na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Bakuna o kita na may kaakibat na virus?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PATULOY na lumolobo ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19 partikular …

Dragon Lady Amor Virata

Tatlong panibagong variant… tama na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HIRAP na dinaranas ngayon ng ating bansa, mahihirapan …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Untouchable sa Palasyo

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang kalakaran ng paggamit ng impluwensyang kalakip ng puwesto …

Leave a Reply