Thursday , June 4 2026

Angkas na bebot utas sa ambush

112514 deadBINAWIAN ng buhay ang isang 38-anyos babae makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo habang angkas ang biktima ng isa pang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Road 10 malapit sa Lakandula St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Loida Rabida, ng 1209 Madrid Extension, Tondo, Maynila, tinamaan ng bala sa kaliwang sentido.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 9:10 p.m. sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang kasama nang sundan ng motorsiklo ng suspek.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay malapitang binaril ng suspek ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang motibo sa  pagpatay sa biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …