Thursday , June 4 2026

5 naospital sa sunog sa hotel sa Makati

disovery primeaLIMA ang naospital makaraan masunog ang bahagi ng Discovery Primea Hotel sa Brgy. Urdaneta, Makati City nitong Sabado ng gabi.

Pawang na-suffocate nang makapal na usok mula sa nasusunog na basement ang maintenance workers na sina Roland Mangua, Marlon Agapito, Nathaniel Carlos, Archie Salmurin at ang security guard na si Ricardo Reyes. Sila ay isinugod sa Makati Medical Center.

Ayon kay Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, nagsimula ang apoy sa Basement 4 pasa-do 10 p.m.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula dakong 2 a.m. kahapon.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente habang wala pa ring pagtataya sa ha-laga ng pinsala.

Sa inilabas na paha-yag ng Discovery Primea, idiniin niyang nasunod ang mga emergency protocol at agad ding nailikas ang mga residente, guest at staff ng hotel para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Jaja Garcia 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …