Thursday , June 4 2026

BBL idudulog sa UN ng MILF  

032814 pnoy malacanan bangsamoroBALAK dumulog ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa United Nations (UN) sakaling palabnawin ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar, hindi matatanggap ng MILF kung malabnaw ang kinalabasan ng BBL lalo na kung mas mahina pa sa papalitan na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ani Jaafar, pagtatawanan sila kung tatanggapin nila ang pinahinang BBL.

Ang pahayag ni Jaafar ay kasunod ng pagiging kontrobersiyal ng BBL makaraan ang pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao na nadawit ang ilang miyembro ng MILF.

Bagama’t sinabi ng MILF official na wala pa silang timetable kung kailan dudulog sa UN, magkakaroon aniya ng desisyon kung hihina ang nilalaman ng BBL.

Kasabay nito, hiniling ng liderato ng MILF sa government officials, Christian churches at maging sa media na bigyan na pagkakataon ang kapayapaan sa Mindanao.

Security forces ng Malaysiya nakaalerto (Sa posibleng breakdown)

NAGHAHANDA na ang bansang Malaysia sakaling tuluyan nang malusaw ang usaping pangkapayapaan ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kabilang sa ginagawang paghahanda ng Malaysia ang pag-activate ng kanilang offshore military bases.

Batay sa report ng isang Malaysian news site, ang military bases ng Malaysia partikular sa bahagi ng Sulu Sea ay nakatakdang maging operational sa Abril na layong pigilan ang posibleng pagpasok sa kanilang bansa ng libo-libong displaced  southern Filipinos.

“If the peace process can’t go through in June then it means war. Twelve years of talks and because of one incident, they will have war,” pahayag ni Malaysian Defense Minister Datuk Seri Hishammuddin Hussein.

Tinutukoy ni Hishammuddin ang January 25 Mamasapano incident na 44 miyembro ng PNP Special Action Force ang namatay.

Dagdag ni Hishammuddin, pinaghahandaan ng kanilang security forces ang posibleng paglikas ng mga sibilyan patungong Malaysia.

“If we have a wall of offshore bases, we may have a chance to stop the exodus of people,” pahayag ng opsiyal.

Paliwanag ni Hishammuddin, ang ginagawa ng Malaysia ay bilang preacutionary measures at gagawin nila ang lahat para hindi magkaroon ng spillover sa may bahagi ng Sabah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …