Thursday , June 4 2026

San Beda law grad topnotcher sa 2014 Bar exams

san bedaGRADUATE ng San Beda College of Law – Manila ang topnotcher sa 2014 Bar examinations.

Siya si Irene Mae Alcobilla na nakakuha ng 85.5.

Habang taga-Ateneo De Manila University (ADMU) ang pumangalawa na si Christian Drilon, nakakuha ng 85.45, pamangkin ni Senate President Franklin Drilon.

Top 3 mula sa University of the Philippines (UP) si Sandra Mae Magalang na may 84.60.

Nasa top 4 sina Mark Leo Bejemino, UP – 84.55; Gil Garcia, Ateneo De Davao University – 84.55; at Reginald Laco, De La Salle Lipa – 84.55.

Ang iba pang nasa top10 ay sina: Michelle Liao – University of Cebu – 84.50; Jose Angelo David – San Beda Manila – 84.45; Adrian Aumentado – San Beda Manila – 84.35; Rhey David Daway UP – 84.20, Fideliz Cardellie Diaz – Far Eastern University-DLSU (Juris Doctor-MBA) – 84.20, Jamie Liz Yu – UP – 84.00; at Tristan Matthew Delgado – ADMU – 83.95.

Ayon kay Associate Justice Diosdado Peralta, chairman ng 2014 Bar examinations committee, sa 5,984 kumuha ng pagsusulit, kabuuang 1,126 o 18.82% ang nakapasa.

Umabot sa 73% ang passing grade.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …