Thursday , June 4 2026

Walang Pinoy sa bumagsak na German plane sa France — DFA

recorderWALANG Pilipino sa 150 pasahero at crew na pinangangambahang namatay sa pagbagsak ng German plane sa France.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Filipinas sa Paris, walang Filipino sa listahan ng mga pasahero ng Lufthansa Germanwings flight 4U 9525.

Una nang naiulat na 144 pasahero at anim na crew ang sakay ng eroplano na biyaheng Barcelona, Spain-Duesseldorf, Germany.

Ayon sa Germanwings, 67 pasahero ay pawang Germans habang ayon sa deputy prime minister ng Spain, 45 ang pinaniniwalaang Spanish. May isang naitalang Belgian.

Kabilang din sa sinasabing sakay ng eroplano ang 16 estudyante at dalawang guro mula sa Joseph-Koenig-Gymnasium High School sa Germany. 

Sa pinakahuling impormasyon, narekober na ang black box ng eroplano. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …