Thursday , June 4 2026

Bagong mukha ng Bilibid – Liga ng Barangay

102314 bilibidIBINALIK na ang pagpapapasok ng dalaw ng mga kamag-anak at kaibigan ng inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City niong Miyerkoles na inalis noong Enero dahil sa pagkamatay ng isang inmate at 19 na iba pa sanhi ng pagsabog na ang motibo ay hadlangan ang repormang ginagawa ng Bureau of Corrections (BUCOR) sa loob ng Maximum Security Camp (MSC).

Ang pag-aalis ng ban at pagpapanumbalik ng dalaw ay dahil nagkaisa ang 14 na gang ng mga inmates sa Maximum para sa reporma na gusto ng BUCOR dahil ayaw na nilang maulit ang raid at hindi naman sila sangkot sa nangyaring kaguluhan.  

Mismong gang leaders na ang naumay sa maling kalakaran kaya sila mismo ang nagkusa, nagkasundo at nagkaisa na talikuran na ang gang at  magsimulang mamuhay nang kahalintulad sa pamumuhay  ng isang normal na tao sa isang normal na pamayanan sa ilalim ng paggabay ng BUCOR.  

“Kami ay nangangarap at naniniwala, sa pamamagitan ng LIGA ng mga Barangay sa NBP, kami  ay makabubuo ng isang pamayanang maginoo, marespeto at repormado,” ani Jaybee  Sebastian, inmate leader na nahalal na tagapangulo ng LIGA ng  Barangay sa  NBP (leader o ‘bosyo’ for 13 years ng Commando Gang na ngayon ay Bgy. Maginoo). 

Sa Manifesto ng LIGA, nilinaw ng 14 gang-barangay na ang konsepto ng barangay at LIGA ay hakbang sa kapayapaan, bayanihan, malakas na kontrol laban sa kontrabando at maayos na pamayanan. 

“It’s about time to change culture inside, from barangays and LIGA after the incident. Kailangan ang participation ng inmates policing their own rank. Napakahirap, napakalaki ng tinitingnan natin, kailangan gawing parang  local barangay,” ani BUCOR Director Jesus Franklin Bucayu. 

“With their participation, at least we can try not to repeat what had happened before. Pati pamilya nila ay mapapanatag na. Creation of LIGA dispels rumors,” sabi ni Supt. Richard Schwarzkopf. 

Sinabi naman ni Atty. Raymund Fortun, LIGA Spokesman, ayaw na ng inmates maulit ang  nangyari na sila rin ang nahihirapan kaya sila mismo ay nagdesisyong kumilos lalo na’t may reform programs sina Bucayu at Schwarzkopf na ma-rehabilitate ang mga tao sa loob sa pangunguna ng kanilang barangay chairmen para paglabas ay mabubuting miyembro na ng lipunan. 

“Nakita ko sina Dir. Bucayu at Supt. Schwarzkopf trying to uplift ang kalagayan ng inmates kaya kinausap ko ang heads ng barangays at sila mismo gustong maging maayos ang lahat. Nandito man sila sa loob ay may tsansang magpakabuti dahil naniniwala silang may buhay sa labas,” ani Atty. Fortun.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …