Thursday , June 4 2026

Raymart Santiago pinagmulta ng korte sa forum shopping

080514 raymart claudine PINAGMULTA ng korte ng P30,000 ang aktor na si Raymart Santiago dahil sa indirect contempt.

Ito ay makaraan hatulan ng Marikina City Regional Trial Court ang aktor bilang guilty sa forum shopping.

Bukod dito, kailangan din ni Santiago at mga abogado niya na magmulta ng tig-P2,000 para sa direct contempt.

May kaugnayan ito sa custody case na inihain ni Raymart na humihiling na ibigay sa kanya ang kustodiya ng dalawang anak nila ng dating misis na si Claudine Barretto.

Ayon sa korte, nagsinungaling si Santiago nang magsumite ng maling certification na hindi siya naghain ng ano mang mosyon sa korte gayong nag-file siya ng sariling petisyon makaraang matanggap ang hirit ni Claudine na temporary protection order laban sa aktor.

Wala pang reaksyon ang kampo ni Raymart sa desisyon ng korte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …