Thursday , June 4 2026

Napahiya sa kainoman kelot nagbigti (Inaway ng dyowa)

030715 bigtiMAKARAAN awayin ng kanyang live-in partner sa harap ng kanyang kainoman, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng banyo ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Leonardo Morales, 21-anyos, ng 25 Interior Aracity St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO2 Ananias Birad Jr., dakong 9 p.m. nang matuklasan ang nakabigting biktima sa loob ng banyo.

Nauna rito, kainoman ng biktima ang kanyang kapatid na si Emmanuel nang bigla na lamang awayin ng kinakasamang si Gerlie Labrador sa hindi nabatid na dahilan.

Bunsod nito, nagpaalam ang biktima sa kainoman at nagtungo sa banyo. Ngunit dahil matagal na hindi bumabalik ang biktima ay tinungo ni Emmanuel ang banyo at natuklasang nakabigti na si Leonardo.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …