Thursday , June 4 2026

23 BIFF, 2 sundalo utas sa enkwentro

BIFFPATAY ang 23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagpapatuloy ng all-out offensive ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebelde sa Maguindanao. 

Napatay rin ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan sa panibagong serye ng bakbakan sa Brgy. Pusao, Sharif Saidona Mustapha; at Datu Salibo at Datu Piang nitong Martes hanggang Miyerkoles. 

Sinasabing malalapit na tauhan ng international terrorist na si Basit Usman ang grupong nakasagupa ng AFP. 

Batay sa taya ng militar, umabot na sa 96 BIFF fighters at anim na sundalo ang napatay mula nang umarangkada ang all-out offensive noong Pebrero. Nakapagtala rin ang AFP ng 31 sundalong nasugatan laban sa mga rebelde. 

Kompiyansa ang AFP na humihina na ang pwersa ng BIFF. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …