Wednesday , August 10 2022

Pink Bus aarangkada sa Lunes

ltfrbAARANGKADA na sa Lunes ang ‘Pink Bus’ para sa mga kababaihan, menor de edad, nakatatanda at may kapansanan, kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan. 

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Winston Ginez, mayroong rutang Cainta, Rizal papuntang Quiapo, Maynila ang Pink Bus ng RRCG Transport.

Bibiyahe araw-araw ang Pink Bus mula 4 a.m. hanggang 9 a.m. at 4 p.m. hanggang 10 p.m.

Sa Lunes, 9 a.m. pasisinayaan ng LTFRB ang Pink Bus, na ikatlong pampulikong sasakyang itinalaga ng ahensya para sa nabanggit na sektor. 

Una nang umarangkada ang operasyon ng mga Pink Jeepney at Pink Utility Vehicle (UV) Express habang inaasahan ng LTFRB na madaragdagan pa ang Pink Bus.

About hataw tabloid

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply