Friday , August 12 2022

Amazing: Global internet debate sa kulay ng damit natapos na

083014 AMAZINGEPEKTIBONG natapos ng vision expert ang global internet debate kaugnay sa kulay ng isang damit – sa pamamagitan ng pagdedeklara na ang lahat ay tama.

Ang larawan ng two-tone dress ay naging viral makaraan magpasiklab ito nang matinding debate kung ang kulay nito ay white and gold o blue and black.

Ini-post ni Caitlin McNeil ang larawan sa website Tumblr makaraan hindi sila magkasundo ng kanyang mga kaibigan kaugnay sa kulay nito.

At mabilis na nakibahagi hinggil dito ang milyon-milyong magkakaibigan, magkakapamilya at magkakasama sa trabaho sa buong mundo.

Ngunit kinompirma ni Dr. Paul Knox, mula sa University of Liverpool’s department of Eye and Vision Science, na parehong tama ang sagot.

Aniya, “Colour isn’t something that exists in the world. Different wavelengths of light exist and can be observed but colour is something we make up inside our heads.

“Different people can look at the same thing, particularly if it’s a photograph displayed on a monitor or phone and claim they are seeing very different things.

“In one sense they are wrong, they are looking at the same thing with the same wave lengths entering their head, but in another sense they are absolutely right.”

Ang damit ay planong isuot ng ina ni Caitlin sa sa kasal ng kanyang anak. Ito ay mula sa clothing website Roman Originals, at ang kulay nito ay blue and black. (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Beautederm Koreisu Family Toothpaste Etré Clair

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Cebu Pacific CebPac Gr8 8 8

Gr8 8.8 Seat Sale ng CebPac inilunsad

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang kanilang special seat sale para sa parehong domestic at international …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Zeinab opisyal nang oral care ambassador ng Beautéderm

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab …

Krystall Herbal Oil Krystall Herbal Nature Herbs Krystall Yellow Tablet

Volunteer health worker alagang Krystall handog sa mga inaaalalayan

Dear Sis Fely Guy Ong,                Datnan po sana kayo ng liham na ito na …

Leave a Reply