Friday , December 9 2022

Richard, marami ang isinakripisyo para kay Sarah!

ni Ed de leon

TALAGANG marami nang naipakitang sakripisyo si Richard Gutierrez para sa nanay ng kanyang anak na si Sarah Lahbati. Ang pinakamalaking sakripisyo nga siguro ay ng pansamantala niyang pagtalikod sa kanyang career. Sinasabi niyang gusto niyang magbakasyon matapos ang maraming taon ng tuloy-tuloy na trabaho, pero ngayon maliwanag na ngang gusto niyang makasama at masubaybayan ang pagbubuntis at ang panganganak ni Sarah.

Isa pa, iniwasan niyang mag-renew ng kontrata sa kanyang home network sa kabila ng magandang offer dahil sa problema rin ng kanyang girlfriend sa network, at nangako siyang dadamayan iyon ano man ang mangyari.

Ngayon na nagbabalik si Sarah sa showbusiness, at kailangan ng boost sa career, inamin ni Richard na may anak na nga sila. Iyong pag-amin ni Richard ay mas pabor kay Sarah kaysa kanya. Kaya nga nasasabi namin na marami na talagang ginagawang sakripisyo si Richard para sa kanyang girlfriend at sa kanyang anak.

Kung sa bagay, hindi naman siguro maaapektuhan ang popularidad ni Richard sa ginawa niyang pag-amin na tatay na nga siya. Marami na rin namang ibang mga actor na umamin na tatay na sila na hindi naman naapektuhan ang popularidad, lalo na nga’t ang kanilang career ay nakarating na roon sa puntong hindi lamang ang kanilang personalidad ang kanilang puhunan, kundi lalo na ang kanilang talents.

Nakarating na rin naman si Richard sa puntong iyon. Isipin nga ninyo, nakapagbakasyon siya ng halos isang taon, hindi siya lumalabas kahit na saan. Pero nang muli siyang magpakita sa publiko, ganoon pa rin kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao. Paano mo nga ba sasabihing maaapektuhan pa si Richard ng kahit na anong bagay?

About Ed de Leon

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply