ni Ed de Leon
SINASABI raw ni Julie Ann San Jose na kung siya ang tatanungin, mas gusto niya ang isang mas matured na leading man. Gusto ba niyang gumawa ng isang project na tungkol sa mga DOM, o sinasabi lang niya iyon dahil parang natabi na nga siya dahil ang dati niyang ka-love team na si Elmo Magalona ay mas nag-click sa bago niyong ka-love team na si Janine Gutierrez?
Maraming tsismis kay Julie Ann. May tsismis ding lilipat daw siya sa ABS-CBN. Kung mangyari kaya iyon ay makikipagtambal sa kanya si Daniel Padilla na sinasabing pinagtawanan nila ang pagkanta?
Sabi nga ng isang kritiko, ”mag-promote na lang muna ng Careline iyang si Julie Ann”.