Saturday , April 27 2024

Sa ngalan ng pag-ibig o kuwarta?!

If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land. –2 Chronicles

BLIND item muna uli tayo mga kabarangay, ang bagong chika ngayon ay inaayos na raw ng asawa ng isang sikat na politiko sa Metro Manila ang annulment papers para tuldukan na ang kanilang mahigit 10 taon pagsasama.

Sila ang binabangit natin noon sa nakaraang kolum naon the rocks na ang pagsasama.

***

NABISTO na kasi ni misis ang pangangaliwa ng kanyang mister na isang bise-alkalde sa isang sikat na Lungsod.

Paano ba naman, obvious na obvious na nakikita na raw in public sina VM at ang anak ng kanyang ka-tandem sa politika na nagde-date!

Susme, grabee nga!

***

LALONG lumaki ang hinala na may problema silang mag-asawa nang lumahok sa isang fun run si VM na hindi kasama ang kanyang asawa, kamakailan.

Ang tanging kasama ni VM sa naturang fun run ay ang kanyang isang anak.

Samantala ang naturang fun run ay para sa pamilyang Pilipino!

GALIT SI KA-TANDEM!

PERO hindi raw ito matatangap ng ka-tandem sa politika ni VM, kaya nagagalit umano kapag pinag-uusapan ang pagkaka-link ng kanyang anak na sinasabing on the way na rin ang divorce papers sa kanyang asawa na anak naman ng isang media magnate.

Tutol na tutol sa relasyon ng kanyang VM sa kanyang anak, kaya hindi na niya ito pinapupunta sa kanyang opisina.

***

DISKARIL ang political career ni VM kapag nagkataon dahil malaking tulong ang ginawang pagsuporta sa kanya ng kanyang ka-tandem noong nakaraang eleksyon, lalo na sa usaping pinasyal.

Ang tanong na lamang ay kung kaya bang isakripisyo ni VM ang kanyang karera sa politika sa ngalan ng pag-ibig?

O sa ngalan ng kuwarta?!

DEBOTO KAY ERAP: BUWAGIN

ANG TOWING SERVICES!

HIMUTOK sa galit ang mga deboto ng mahal na Poong Itim na Nazareno sa Quiapo nang paglabas nila mula sa simbahan ay wala na ang kanilang motorsiklo na nakaparada lamang sa gilid ng Quiapo church na bumalaga sa kanilang first Friday mass.

Dagsa ang mga deboto sa Quiapo, pero laking desmaya nila na pagkatapos ng misa ay wala na ang kanilang motorsiklo sa labas ng simbahan——‘yun pala ay biktima sila ng walang diyos na towing company na RWM towing services.

Malulupit, abusado!

***

NAIKOMPARA tuloy ang nangyari noong panahon niMayor Alfredo Lim. Walang ganitong pang-aabuso, dahil walang towing services na pinayagan noon ang Alkalde na manghatak ng mga sasakyan sa Lungsod—lalo na sa Quiapo area.

Aba, kung nakamamatay lamang ang mura ay baka patay na ang dating Pangulong Estrada dahil siya ang bunton ng sisi sa nangyaring pag-towing sa Quiapo.

Sabi ko na kasi, buwagin na ‘yan towing e!

***

LUMALABAS din na talagang itinataon ng towing services sa araw ng Biyernes kung kalian maraming deboto ang dumaragsa sa Quiapo church.

Mas maraming sasakyan na mahahatak, mas maraming kita at komisyon ang kanilang makukuha!

Hanep talaga mga kabarangay!

***

MATAGAL na natin sinasabi na dapat ay maglagay ng karatula na “no parking o tow away zone” sa mga lugar gaya sa gilid ng Quiapo subalit walang signages sa mga lugar na nagsasagawa ng towing operation.

Trabaho ito ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) pero wala silang ginagawa at tila isang patibong ang nangyayari.

Komisyon  lang ba ang gusto ni MTPB chief Don Carter Logica? Pwee!

TEXT REACTION

MABAHO ANG MAYNILA

Ang baho ng maynila andumi, bakit ganito ang Maynila che? Wlang pagbabago pati empleado ng ct hal matakaw sa lagay, amdami rin fixers na nagkalat sa mga opisina ng mga konsehal! —0915221109+++

PIPI’T BINGI AT BULAG

SI ERAP VS TOWING

Chairman santos dpat npo buwagin ang towing, wala na itong gnwang mabuti s mynila, ‘wag snang mging bingi , pipi at bulag c myor erap sa aming pnwagan—Ruel ng Quiapo

SINO ANG NAKIKINABANG

SA TOWING?

Sino b tlga ang naki2nabang sa towing? C desiderio at espiritu lng ba? Mlaking perwisyo na ang idnulot nito sa mga motorista lalo na kaming nagccmba sa quiapo, mga dorobo ang mga may-ari ng towing walang mga diyos!—Danny boy

VENDORS SA QUEZON BLVD

IBINALIK NG DPS?

Balik ang mga vendors sa quezon blvd tapat ng Isetan mall, akala ko po ba nilinis ito ng grupo ni mr che borromeo, bakit nariyan ule? Nagpakilala lang b cla para makahinge ng tong sa mga vendors, pakitago na lang po ang numero ko slamat!—094334212++

Para sa anumang komento, mag-email lamang sa [email protected] or mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *