MAKARAAN ang dalawang beses na oil price rollback, magkakaroon nang bahagyang pagtaas sa presyo ng petrolyo sa susu-nod na linggo. Ayon sa energy sources, papalo sa P0.30 hanggang P0.45 ang umento sa presyo ng gasolina. Habang walang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene. Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes. (JAJA GARCIA)
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
65th Miss U candidates bibisita kay Digong
MAGDADAUPANG-PALAD ngayong araw ang mga kandidata ng Miss Universe at si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay dahil may courtesy call ang mga kandidata ng 65th Miss Universe sa Malacañang dakong 2:00 pm ngayong araw. Kinompirma ito ni Department of Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre. Aniya, simula noong pagdating ng Filipinas ng Miss Universe candidates ay nagpahiwatig na ang mga binibini …
Read More »Gen. Bato dapat bigyan ng 2nd chance (‘Wag pagbitiwin) – Lacson
SINABI ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng mga panawagan na magbitiw sa puwesto. Ayon kay Lacson, da-ting PNP chief, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dela Rosa, mahalagang bagay aniya lalo sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan kontra ilegal …
Read More »Sta. Isabel, misis nagsumite ng proof of innocence (Sa Korean kidnap-slay)
NAGSUMITE sina SPO3 Sta. Isabel at kanyang misis ng mga katibayan sa National Bureau of Investigation (NBI) na inosente sila sa nangyaring kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo. Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sinabi ni Sta. Isabel sa salaysay na isinumite sa NBI, sila ay na-frame-up lamang at walang kinalaman sa pagpatay …
Read More »PNP breakdown posible (Dahil sa scalawags) – Lacson
POSIBLENG magkaroon ng breakdown sa Philippine National Police (PNP) kapag hindi ito nalinis mula sa scalawags. Binigyan-diin ito ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kasunod ng mga eskandalong kinasasangkutan ngayon ng pambansang pulisya. Halimbawa rito ang sinasabing mga krimen na ginagawa ng mga pulis sa gitna ng lehitimong ope-rasyon, katulad ng kidnap-slay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo. …
Read More »2,503 drug suspects patay sa war on drugs
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng napa-patay na drug personalities sa isinagawang anti-illegal drug operations sa buong bansa. Batay sa pinakahu-ling datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Project Double Barrel-Alpha, simula 1 Hulyo hanggang 22 Enero 2017, umakyat sa 2,503 drug suspects ang na-patay sa ikinasang 42,607 anti-drug police operations nationwide. Habang nasa 51,547 drug …
Read More »DPWH-10 projects haharangin ni Koko (Nagulat sa lawak ng baha)
CAGAYAN DE ORO CITY – Maging si Senate President Koko Pimentel ay nagulat sa lawak nang pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro noong nakaraang Lunes. Sa kanyang pakikipagpulong sa mga miyembro ng konseho, iminungkahi niyang harangin ang panibagong proyekto ng Department of Public Works and Highway Region 10 (DPWH-10). Layunin nito na maisailalim sa masusing evaluation ang lahat ng …
Read More »Panawagan ni Atienza sa Senado: Sin Tax Reform Act apurahin
NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa Senado na apurahin nila ang Sin Tax Reform Act. Ayon kay Atienza, nabigo ang nagdaang administrasyong Aquino na matulungan at maiangat ang buhay ng tobacco farmers. Paliwanag ng kongresista, imbes na tulungan ang industriya ng tabako nang nakalipas na admi-nistrasyon, mas pinahalagahan pa ang pagpapasa ng mga …
Read More »P107-M sa Grand Lotto 6/55 may nanalo na
NAPANALUNAN ng nag-iisang bettor ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto 6/55. Tumataginting na P107,366,364 ang iuuwi ng lone bettor. May lucky number combination itong 52-17-20-43-15-19. Habang hindi naibulsa ang premyo sa Lotto 6/42 na P21,877,988, may winning combination na 01-38-17-28-34-39.
Read More »Badjao utas sa boga ng CSF (Nagtitinda ng cellphone sa kalye)
PATAY ang isang katutubong Badjao nang barilin ng isang miyembro ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall, habang nagbebenta ng cellphone sa mga driver ng truck sa A. H. Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Jimmy Saed, miyembro ng Badjao tribe, naninirahan sa Angeles, Pampanga, isang linggo pa lamang nananatili sa lugar at kalalabas mula …
Read More »Bunkhouse nasunog, ampunan muntik madamay
NAGDULOT ng tensiyon sa mga residente at sa katabing bahay-ampunan ang sunog sa bunkhouse na nagsisilbing barracks ng towing and trucking company sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw. Nabatid mula sa Manila Fire Department, dakong 6:05 am nang magsimula ang sunog na umabot sa 1st Alarm at ganap na naapula 6:34 am. Partikular na nasunog ang 10 silid …
Read More »P1-M shabu kompiskado sa buy bust ops sa Butuan
BUTUAN CITY – Umaabot sa halagang P1.1 milyon ang nakompiskang shabu sa buy-bust operation sa lungsod na ito. Inilunsad ang operas-yon pasado 9:50 pm kamakalawa ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Butuan City Police Station 2 at 3 sa Brgy. Masau ng nasabing lungsod. Kinilala ni S/Insp. Roland Orculio ang naarestong suspek na si Alan Regundo Yamba, residente ng …
Read More »2 patay sa Laguna drug bust
PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher habang isang pulis ang sugatan sa drug buy-bust operation sa Bay, Laguna nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na mga suspek na sina Frederick Fule at Ryan Ferdie Pulutan. Ayon sa Laguna Police Provincial Office, nagsagawa ang mga operatiba ng drug buy-bust operation sa Brgy. Dila, bayan ng Bay dakong 1:30 …
Read More »Kelot patay sa bugbog ng 3 suspek sa Caloocan
PATAY ang isang lalaki makaraan pagtulungan bugbugin ng tatlong suspek sa Calaoocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Rommel, 30 hanggang 40-anyos, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ferlito Yson, taga-BMBA Compound, 2nd Ave; Dave Acuña, at isang hindi pa nakikilalang lalaki. Ayon sa ulat, dakong 9:30 pm nakaupo ang biktima sa tabi …
Read More »Drug suspect utas sa parak
PATAY ang isang lalaking hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Ricky Pahati, alyas Echo, residente sa Daang Bakal St., Brgy. 59, ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Cesar Garcia, dakong 12: 55 am nang maganap ang insidente sa Daang …
Read More »Janine Gutierrez magpapagahasa sa bagong teleserye (Tuloy na sa pagpapa-sexy)
THIS 2017 ay isang malaking proyekto ang nakatakdang gawin ni Janine Gutierrez sa kanyang mother network na GMA at maselan ang plot ng kuwento na tatalakay sa babaing na-rape at nabulag. Makakasama ni Janine sa seryeng “Legally Blind” ang leading man na si Mikael Daez plus Lauren Young na tulad niya ay naging kasintahan din ng ex-boyfriend na si Elmo …
Read More »Mahusay na aktres, posibleng mapatalsik sa ahensiyang pinaglilingkuran
NANGANGAMBA ang tiyahin ng isang mahusay na aktres na posibleng mapatalsik sa isang ahensiya ng gobyernong matagal-tagal na rin nitong pinaglilingkuran. Ewan kung ang nagbabadyang dahilan ay sa pagkadagdag ng bago nitong kaopisina na kamakailan lang naupo sa puwesto. Pero duda raw ng aktres, hindi kaya ang magkasalungat na paniniwalang ispiritwal ng taong nag-appoint sa bago nitong makakasama sa tanggapan …
Read More »Tita Donna, isang mapayapang paglalakbay
POSTSCRIPT na ito ng nakabibigla’t nakalulungkot na pamamaalam ni Tita Donna Villa, as told by Tita Nene Mercado, ang kanyang pinakamalapit na kaibigan na itinuring na ring kapamilya. Matapos makatanggap si Tita Cristy Fermin ng tawag mula kay Col. Jude Estrada (kasisimula pa lang ng programang CFMnoong Lunes ng hapon) na nagbalitang pumanaw na ang dating aktres at film producer …
Read More »Jane, ‘di ininda ang pakikipaghiwalay kay Jeron
BUONG akala ko ay going strong pa rin ang pagmamahalan ng basketball player na si Jeron Teng at ng magandang si Jane Oineza. Hindi pala dahil break na sila at may kapalit na kaagad ang batang aktres sa puso ng basketbolista. On Jane’s part, parang ‘di naman niya ininda ang hiwalayan nila ni Jeron. Parang never siyang naapektuhan at tuloy-tuloy …
Read More »Angeline, tinanggihan ang alok na kasal ni Eric
AYON kay Angeline Quinto. naging espesyal sila sa isa’t isa ni Erik Santos pero hindi raw umabot sa punto na nauwi ‘yun sa isang relasyon. Aniya, siya raw kasi ang umayaw. Ang gusto raw kasi ni Erik kung sakaling magiging sila na ay magpakasal na. Hindi pa raw kasi siya handa na lumagay sa tahimik. ‘Pag natapos na raw niyang …
Read More »Martin del Rosario, tinawanan ang pagli-link sa kanila ni Mr. Fu
MAY lumabas na blind item na ang ibinigay na clues ay tumutukoy kina Martin del Rosario at Mr. Fu. Umano’y nakipag- one-night stand si Martin kay Mr. Fu at after daw ng kanilang pagniniig ay sinisingil ng aktor ang radio/TV personality ng P30,000. Ayon pa sa blind item, ikinagulat daw ni Mr Fu ang balitang iyon dahil ang buong akala …
Read More »Dianne, ina-unfriend ang mga kaibigang bumabatikos sa pinsang si Maxene
IN-UNFRIEND pala ni Dianne Medina ang ilang friends niya sa Facebook. Ito’y after niyang mabasa ang mga post sa kani-kanilang account na nagku -comment ng hindi maganda sa kanyang pinsang si Maxene Medina, pambato ng ating bansa sa Miss Universe na gaganapin sa January 30 sa MOA Arena. Bukod sa pinsan ay close si Dianne kay Maxene, kaya natural na …
Read More »Pakikipaglampungan ni Matteo sa dating GF, ‘di totoong pinagselosan ni Sarah
IGINIIT ni Matteo Guidicelli na walang katotohanang nagselos ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa lovescene nila ni Alex Godines. Ang tinutukoy na lovescene ay mula sa pelikulang Across The Crescent Moon. Kahit alam daw ng Pop Princess na ex niya si Alex ay hindi raw ‘yun naging dahilan para pagselosan. Naiintindihan naman ni Sarah na trabaho lang ang ginawa …
Read More »Ria, pressured na patunayan ang sarili; Coney, pinuri ang batang aktres
KASAMA si Ria Atayde sa teleseryeng My Dear Heart at dahil baguhan tinanong ang dalaga kung pressured siya dahil tiyak na ikukompara siya sa nanay niyang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Artayde na parehong mahusay sa kani-kanilang teleseryeng The Greatest Love at FPJ’s Ang Probinsyano. Bagamat lumabas na sa Maalaala Mo Kaya si Ria at nanalo pa …
Read More »Ms. Coney Reyes, pinakapinaniniwalaang kontrabida
PANG-APAT na ang teleseryeng My Dear Heart na gaganap si Ms Coney Reyes bilang kontrabida. Nauna na ang 100 Days to Heaven (2011), Nathaniel (2015), at Ysabella (2007), kaya ang tanong sa batikang aktres ay hindi ba siya nagsasawa dahil halos iisa lang naman ang kuwento ng pagiging masama niya, iba-iba nga lang ang level. Pabirong sabi ni Ms Coney, …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com